Nagwagi ang tatlong micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula Western Visayas sa Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) PRAISE award sa kakatapos lamang na 2022 National Science and Technology Week (NSTW) na ginanap sa Maynila.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST)-Western Visayas director Engr. Rowen, ginamit mabuti ng tatlong awardees ang technical assistance ng ahensya upang mapabuti ang kanilang negosyo at mga produkto.
Kabilang sa tatlong nagwaging MSMEs ang Herbanext Laboratories Inc., isang kumpanya sa Bago City, Negros Occidental na gumagawa ng spray-dried medicine mula sa Philippine plants; Negros Prawn Producers Cooperative na matatagpuan sa Bacolod City, Negros Occidental, at nasa larangan ng aquaculture; at ang Filbake Food Corp., supplier ng bakery at iba pang baking products sa Kalibo, Aklan.
Ang Negros Prawn Producers Cooperative ay kinilala rin bilang isa sa Most Resilient MSMEs, samantala ang Filbake Food Corp. naman ay idineklarang winner sa Most Industry 4.0 Ready Award for MSMEs o ang iReady.