BPI plans to issue P5-billion fixed-rate bonds for MSMEs 

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang plano nito na mag isyu ng 1.5-year peso fixed-rate bonds na nagkakahalaga ng P5-bilyon, due 2024. 

Sa disclosure nito sa Philippine Stock Exchange kamakailan, sinabi ng BPI na ang Reinforcing Inclusive Support for Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) Bonds (BPI RISE Bonds) ay bahagi ng kanilang P100-bilyon bond program. 

“The issue size has an option to  upsize, subject to investor demand. The net proceeds of BPI’s offering will be used to finance or refinance the business requirements of eligible MSMEs, consistent with BPI’s Sustainable Funding Framework,” saad ng BPI.

Sa ilalim ng Sustainable Funding Framework ng BPI, ang loans para sa MSMEs ay maaaring ituring na social projects at maaaring matustusan o ma-refinance sa pamamagitan ng green, social and/or sustainability bonds, kung ang mga naturang loan ay nakakatugon sa mga kwalipikasyon na nakatakda sa Bangko Sentral ng Pilipinas’ Manual of Regulations for Banks, at ng Securities and Exchange Commission’s Guidelines on the Issuance of Social Bonds sa ilalim ng Asean Social Bonds Standards in the Philippines. 

Ang BPI RISE Bonds ay magkakaroon ng tenor na 1.5 years, offered sa minimum investment amount na P1,000,000, at sa additional increments na P100,000. Ang offer period ay magsisimula sa January 9 hanggang January 20, 2023. Samantala, ang issue at listing date naman ay nakatakda sa January 30, 2023. 

Ang BPI Capital Corp. (BPI Capital) at ING Bank N.V. Manila Branch ang joint lead arrangers ng nasabing offer; kung saan ang BPI Capital ang sole selling agent.

Join our FREE online community and connect, collaborate, and learn with other Filipino business owners.

Nenette Dizon
Author
Nenette Dizon is a professional writer whose works focus on PR and SEO content creation. She graduated with a degree in Journalism from the University of Santo Tomas.

Follow Our Socials!

Related News

Small Business Stories

Subscribe to our newsletter and stay updated.