Kaugnay ng kanilang pagsisikap na matulungan ang mas marami pang negosyo, bumuo ng kasunduan ang Lazada at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang lalong mapaunlad ang Filipino-Chinese micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Sa katatapos lamang na event na pinangunahan ni FFCCCII Public Information and Media Committee Chairman Wilson Lee Flores, muling pinagtibay ng Lazada ang misyon nito na patuloy na isulong ang diversity sa local eCommerce space at pumirma ng Memoramdum of Agreement kasama ang FFCCCII.
Paiigtingin ng nasabing kasunduan ang commitment ng Lazada na gawing mas accessible ang kanilang platform sa mga Filipino-Chinese seller at entrepreneur na nais dalhin ang kanilang brick-and-mortar stores online.
Maglulunsad din ng iba’t ibang capacity-building projects ang FFCCCII, sa pakikipagtulungan sa Lazada, upang palakasin ang member Filipino-Chinese MSMEs at iba pang mga negosyo.
“Today’s milestone with FFCCCII is just the first of what I hope will be many, as we have always looked forward to strengthening our partnership with the Federation and expanding more areas of collaboration together. By continuing to collaborate closely and share best practices, we unlock the future of eCommerce, and hopefully uplift the Filipino’s quality of life,” ani Lazada Philippines CEO Carlos Barrera.